https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/ABANTE-tubig-1.jpg

MWSS may paalala sa mga kustomer ng Manila Water

Pinayuhan ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) ang mga consumers ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. na makipag-ugnayan bago mag- Agosto 1 at bayaran ng instalment para sa mga nakonsumo nilang tubig nung panahon ng enhanced community quarantine.

Sa isang pahayag, sinabi ng MWSS na mag-uumpisa nang magbasa ng mga metro ang Maynilad at Manila Water sa Hunyo 1 kaya darating na ang mga bill ng mga tao.

Ayon sa MWSS, ang sisingilin lamang dapat ng Maynilad at Manila Water ay ang totoong nakonsumong tubig ng mga tao at iba pang mga charges base sa mababasa sa metro. Para makwenta ang konsumo nang panahon ng ECQ at modified ECQ, hatiin ang meter reading sa mga buwan na sakop ng ECQ at MECQ.

Inutusan ng MWSS ang Maynilad at Manila Water na ipaliwanag ng mabuti sa consumers ang lahat ng impormasyon na kanilang kakailanganin.

Nauna nang sinabi ng MWSS na kailangang bayaran ang tubig na nakonsumo nung panahon ng GCQ at MECQ ngunit binibigyan naman ang consumers ng grace period sa pagbayad at installment din ang bayad para sa panahon ng ECQ.

Hindi rin nagputol ng koneksyon ang Maynilad at Manila Water nung panahon ng ECQ pero tuloy na ang putulan ng koneksyon simula Agosto 1 para sa lifeline accounts.. (Eileen Mencias)