Goma sopla kay Digong
Nirespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na tanggapin ang mga uuwing overseas Filipino worker sa kanyang lugar, pati na ang mga benepisyaryo ng “Balik Probinsiya Program”.
Pero iginiit ni Duterte na mayroong karapatan ang bawat Pilipino sa ilalim ng Konstitusyon at walang dahilan para hindi tanggapin ang mga ito sa isang komunidad, lalo na ang mga galing sa ibang bansa.
Pinagsabihan din ni Duterte ang alkalde na tulungan ang sinomang hihingi ng tulong , maging ito ay Pilipino o dayuhan lalo na sa mga panahong mayroong krisis sa coronavirus.
“And this I would like to convey to the mayor: Help anyone. Not even Filipinos, foreigners who are in your place and who go to you or who goes to the seat of governance to seek help,” dagdag ng Pangulo.
Inihayag ito ng Pangulo matapos makarating sa kanya ang reklamo ni Gomez na idinaan sa social media noong nakalipas na araw.
“I do not have any quarrel with Richard Gomez. He was the one who said that he’s not going go accept anybody from entering, or for that matter, leaving the place. Okay man lang yan,” anang Pangulo.(Aileen Taliping)