https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/ABANTE-bike-1.jpg

Presyo ng bisikleta sumirit

Nagmahal na ang presyo ng bisikleta simula nang pinagbawalang bumiyahe ang mga jeep, bus, at tricycle sa mga lansangan.

Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, naging mabenta na ang mga bisikleta simula nang nagka enhanced community quarantine at maituturing na itong pangangailangan ngayon.

“Biglang naging in demand ang mga bisikleta, naging essential na,” sabi ni Lopez sa panayam sa CNN Philippines.

“In fact, some people are telling us na i-price control na [ang mga bisikleta],” dagdag niya.

Bago mawalan ng mga bus at jeep sa lansangan, nakabibili pa ng mga Japan surplus bikes na P2,800 sa Caloocan, Navotas, at sa pier sa Maynila.

Maraming mga nagbebenta ng Japan surplus sa Facebook marketplace ngunit kaunti lang ang naglalagay ng totoong presyo at karamihan ay nagpapa-PM para sa price list. Sa isang nagbebenta sa FB market place na taga Malabon at ang presyo niya para sa Japan surplus folding bike ay P4,700.

Ang presyo ng iba ay umaabot na sa P9,000 para sa maliit na ladies’ bike na Japan surplus at P20,000 para sa mas malaki.(Eileen Mencias)