https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/horoscope-1.jpg

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | May 30, 2020

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: IDINA MENZEL

ARIES (March 21-April 19) – Mas magiging demanding ang iyong mga mahal sa buhay. Alalahaning buhay mo pa rin ang kanilang tinatangkang kontrolin. Lucky number for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – Mas magaling ka ngayong mangumbinsi. Malaking advantage ito lalo na kung meron kang ibinebenta. Lucky number for today: 21

GEMINI (May 21-June20) – May good news sa iyong aspetong pinansyal. Hindi pa rin ito lisensya para sumige sa paggasta. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – Maraming nagmamalasakit pero ikaw ngayon ang dapat masunod. Wag matakot magkamali dahil maraming susuporta sa iyo. Lucky number for today: 19

LEO (July 23-August 22) – Hindi masamang mangarap pero mahirap umasa. Meron talagang hindi itinadhana para sa iyo. Lucky number for today: 13

VIRGO (August 23- September 22) – May madidiskubre ka sa isang kaibigan pero ibigay ang pang-unawa. Tanggapin na meron talaga siyang mga kahinaan. Lucky number for today: 35

LIBRA (September 23- October 22) – May isang indibidwal na naghahangad na makita kang nakalugmok. Gawin ang lahat para hindi nya makuha ang kanyang gusto. Lucky number for today: 40

SCORPIO (October 23- November 21) – Magiging kakampi mo ngayon ang isang taong nasa mataas na posisyon . Marami siyang maitutulong. Lucky number for today: 56

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Mag-ingat sa mga pinagtitiwalaan. Isa sa kanila ang posibleng magpahamak sa iyo. Lucky number for today: 40

CAPRICORN (December 22-January 19) – May isang komplikadong sitwasyon na podibleng mangyari ngayon. Iwasang kumampi kahit kanino. Lucky number for today: 58

AQUARIUS (January 20-February 18) – Marami kang gustong gawin pero may kailangan ka munang tapusin. Wag biguin ang mga taong umaasa sa iyo. Lucky number for today: 37

PISCES (February 19-March 20) – Sundin ang iyong instinct at wag nang isipin kung tama o mali ang ginagawa mo. Mas importante na pagbutihin na lamang ang iyong trabaho. Lucky number for today: 4