https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/dti-3.jpg

Tenant makipag-usap na lang sa mall owner – DTI

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na hindi nito mapipilit ang mga mall owner na huwag maningil ng renta sa mga may pwesto sa kanilang establisimiyento kahit noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Napilitang magsara ang mga may pwesto sa mall nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ECQ sa Luzon noong Marso 16 at tanging mga basic service lang tulad ng grocery at drugstore ang pinayagang magbukas.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na hindi nila puwedeng obligahin ang mga mall owner na huwag maningil ng renta sa kanilang mga tenan.

β€œIt has to be voluntarily done by lessors. Swerte `yung mga nasa big three [mall]. Outside of the three, deferment ang usapan,” ayon kay Lopez.

Payo na lang ng kalihim, makipag-usap ang mga tenant sa may-ari ang mga mall at makipagkasundo para sa pagbabayad ng renta. (Eileen Mencias)