https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/ABANTE-duterte-43.jpg

COVID fund `di binulsa – Duterte

Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pagdududa na nagkaroon diumano ng overpricing sa test kit at iba pang medical supply na binili ng gobyerno mula sa pondong inilaan para labanan ang COVID-19.

Sabi ng Pangulo, maglalabas ang kanyang tanggap ng ulat hinggil sa kontrobersiya at nilinaw pa na hindi ang Department of Health ang bumili ng mga test kit kundi ang Office of the President at Department of Budget and Management.

“Sinadya ko ito para madali. Tinanggal ko nga doon kasi overworked na ang Health department. ginawa ko `yun para mabilis,” anang Pangulo.

Kasabay nito, binakbakan ng Pangulo ang mga bidder na nag-alok ng mababang presyo subalit hindi naman sumali sa bidding na siyang nagrereklamo.

“Ito yung mga g*go na ito when they were first approached mahal, ngayon may bidding hindi sila sumali,” anang Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)