Sabong malapit nang magbalik
NAGKAROON ng pagba-banding nakaraan local at national kaya naman kahit paano ay nasiyahan ang mga breeder at sabungero.
Nangangahulugan kasi na may tsansa na magkaroon ng sabong ngayong taon kung saan ay marami ang makikinabang.
Malaking tulong sa mga breeder at ibang kumikita sa sabong kapag nagkaroon ng operation.
“Kapag may derby kikita ang mga breeder kasi maraming bibili ng manok para isabak sa laban,” saad ni Apollo Cristobal, backyard breeder na taga-Tarlac.
Maging ang maliliit na sabungero ay maaaring kumita ng malaki kapag may sabong dahil pinagkakakitaan nila ang kanilang warriors.
“Iko-condition ko ‘yng manok tapos pauupahan ko ng P1,500 kaya kahit wala akong pera ay pwede ako magkaroon kapag manalo ang manok ko,” ani Roberto Manansala, 42 taon nang sabungero.
Nahinto ang sabong nang ipatupad ang quarantine ng gobyerno. (Elech Dawa)