Mga nasalanta ng Ambo sa San Policarpo, Eastern Samar, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation
by MARAH RUIZSa gitna ng COVID-19 relief efforts ng GMA Kapuso Foundation, patuloy pa rin itong tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Ambo.
Mahigit 3,900 tao mula sa San Policarpo, Eastern Samar ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation. Naapektuhan kasi ng bagyo ang pangingisda na pangunahing pinagkakakitaan ng ilang residente sa lugar.
Sa pakikipagtulungan sa 8th Infantry Division, 801st Infantry Brigade at 78th Infantry Battalion ng Philippine Army, napagbigay ng relief goods sa lugar.
Katuwang din ang 1st Eastern Samar Police Mobile Force Company at San Policarpo Municipal Police Station.
Naging posible ang operasyon salamat sa CDO Foodsphere Inc. at sa iba pang donors.
Samantala, patuloy na tumatanggap ng mga donasyon ang GMA Kapuso Foundation. Bisitahin lang ang kanilang official site para malaman ang iba't ibang paraan ng pagdo-donate.