https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/le_hor-6001.jpg

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | May 28, 2020

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: ZSA ZSA PADILLA

ARIES (March 21-April 19) – Wag payagan ang sinuman na nangmamaliit sa iyo. May magagawa ka para tapatan siya at maaaring higitan pa. Lucky number for today: 18

TAURUS (April 20-May 20) – Isang kaibigan na matagal mo nang naaasahan ang magbibigay sa iyo ng isang importanteng advice. Kung ikukunsidera mo ang kanyang payo, mas malayo ang iyong mararating. Lucky number for today: 5

GEMINI (May 21-June20) – Hindi uubra sa iyo ang power trip ng sinuman. Kung may magtatangkang magpaandar sa iyo ngayon, makakahanap siya ng katapat. Lucky number for today: 58

CANCER (June 21-July 22) – Ngayon ay nananaig sa iyo ang samu’t saring alalahanin at pangamba. Pero sa mga susunod na araw, mapapatunayan mong walang basehan ang takot. Lucky number for today: 44

LEO (July 23-August 22) – Maaaring nag-eenjoy ka sa isang kakilala. Iwasan lamang na masabi mo pati ang iyong mga sikreto. Lucky number for today: 14

VIRGO (August 23- September 22) – Kadalasang ikaw ang hinihingan ng advice ng mga tao sa iyong paligid. Pero sa pagkakataong ito, ikaw naman ang mangangailangan. Lucky number for today: 36

LIBRA (September 23- October 22) – Marami ka nang naisasakripisyo pero kailangan pang dagdagan ito. Wag mangamba, marami ka namang aanihin sa tamang panahon. Lucky number for today: 41

SCORPIO (October 23- November 21) – Nakakabagot ang magmukmok sa bahay pero hindi solusyon ang sobrang paggastos. Kahit maraming nabibili online, kontrolin ang pagkatukso. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Mas popular ka ngayon kaya maraming gustong makipaglapit sa iyo. Piliin lamang ang mga taong dapat ituring na kaibigan. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung lahat ng gagawin mo ay maagang nakaplano mas makakaiwas sa aberya. Hindi uubra ang padalos-dalos. Lucky number for today: 15

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nakakapagod kung ikaw ang inaasahan ng lahat pero hindi mo naman sila kayang tiisin. Tumulong pero ipaunawa sa lahat na hindi ito pang habang panahon. Lucky number for today: 56

PISCES (February 19-March 20) – Matagal pa bago mabalik sa normal ang iyong sitwasyong pinansyal. Wag palagpasin ang anumang oportunidad para kumita. Lucky number for today: 18