https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/abante-clinic.jpg

Dugyot na COVID clinic sa Makati nabisto

Arestado ang dalawang Chinese national nang mabuking ng mga awtoridad ang isang underground hospital sa Makati matapos umanong i-report sa pulisya ang baradong drainage dito.

Ayon kay P/Col. Oscar Jacildo, sinalakay ng mga awtoridad ang Gold Star Medical Clinic and Pharmacy Corp. sa Sampaloc Street, Brgy. San Antonio Martes ng hapon. Nasamsam sa lugar ang mga iba’t ibang medical product tulad ng syringe, testing kit, at gamot diumano para sa COVID-19 na may Chinese label.

May tatlong buwan na diumanong nag-operate ang underground clinic na nabatid na wala palang business permit.

Huli sina David Lai doctor, 49-anyos at si Liao Bruce, 41. Apat na pasyente rin na hinihinalang sinusuri sa COVID-19 ang naabutan sa pasilidad na dinala sa city health office upang matingnan ang kondisyon ng kalusugan.

Iniimbestigahan na kung iisang grupo ang nasa likod ng operasyon ng underground hospital sa Makati at Pampanga. (Juliet de Loza-Cudia)