https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/gunfire.jpg

Ex-army, 2 LGU employee na trigger happy huli

Kulungan ang bagsak ng dating miyembro ng Philippine Army (PA) at dalawang empleyado ng local government unit (LGU) matapos magpaputok ito ng baril sa isang farm sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng Sonala Police Station (SPS) ang mga suspek na sina Jolito Magguddayao, 50-anyos, dating miyembro ng PA, at dalawang miyembro ng Task Force-Solana na sina Wilfred Caronan, 47, at Loreto Malabad, 55.

Nakatanggap ng ulat ang pulisya kaugnay sa umano’y maraming beses na pagpapaputok ng baril ng grupo ng mga suspek sa pangunguna ni Magguddayao matapos ang kanilang inuman sa Sitio Camagun, Brgy. Sampaguita, Solana alas-nuebe ng umaga.

Nahuli sa follow-up operation ang dalawang LGU employee, narekober sa kanila ang dalawang paltik na .38 revolver. Bigong makapagpakita ng permit to carry outside residence o kahit anong legal na dokumento ng baril ang mga suspek.

May 21 reklamo na umano ang natanggap laban sa grupo dahil sa pananakot ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril.

Kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition, illegal discharge of firearms dahil sa pagpaputok ng baril, at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon ang mga suspek na nakakulong ngayon sa SPS detenmtion cell. (Allan Bergonia)