https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/shabu-10.jpg

P12.5M shabu nasamsam, 4 tulak huli sa Olangapo

Aabot sa P12.5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa apat na drug suspect sa kinasang anti-illegal operastion sa Balic-Balic Road, Barangay Sta. Rita, Olongapo City kamakalawa.

Ayon kay Col. Benjamin Sembrano, director of the Olongapo City Police Office (OCPO), ginawa ang operasyon laban kina Archie Boy Usenar, John Mark Serica, Jeff Dennon Rivera, at Michael Salac.

Nakumpiska sa mga suspek ang 39 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 1,250.65 gramo, at buyi-bust money.

Sasampahan na umano ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga naarestong suspek.