https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/abante-liqour-ban.jpg

Aksidente lumobo: Iloilo City binalik liquor ban

Muling binalik ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ang liquor ban makaraang masawi ang isang medical frontliner sa diumano’y lasing na motorista na isang Indian national.

Nilabas ni Mayor Jerry Treñas issued Executive Order No. (EO) 82 na nagbabalik sa pagbabawal sa pagbebenta at pagkonsumo ng alak sa lungsod.

“There were several reported incidents and complaints related to the abuse in the consumption of alcohol, and violations of physical distancing measures hence, there is a need to re-impose the prohibition on the sale and consumption of liquor within Iloilo City,” ayon sa kautusan ni Treñas.

Noong Lunes, nasawi si Henry Jun Jardio, 30, isang radiologic technologist at dating responder sa Iloilo City Emergency Response. Pauwi na umano siya sakay ng motorsiklo nang mabangga ng sasakyang minamaneho ng dayuhang lago umano sa alak.

Nabatid na ikakasal na sana si Jardio sa Hunyo kaya labis ang hinagpis ng pamilya na desidisyong kasuhan ang driver.

Ito na pangawalang beses na tinanggal at muling binalik ang liquor ban sa lungsod kasunod ng pagtaas ng alcohol-related incident.