Tinapay, ipinangalan ni Ai-Ai kay Lee Min Ho
by Vinia VivarBumawi agad si Ai-Ai de las Alas matapos ang mahabang rant niya sa Instagram tungkol sa pagka-disappoint niya sa “The King: Eternal Monarch” na comeback drama ng South Korean actor na si Lee Min Ho.
Kinabukasan ay gumawa siya ng tinapay at pinangalanan niya itong “pande lee min ho.”
Aniya ay idol niya ang Korean actor at hindi lang niya talaga nagustuhan ang bagong drama nito.
“Turning negative into positive ... naniniwala ako sa kasabihan ‘when life gives you lemons , make lemonade ...’ bilang idol ko talaga si lee min ho (kahit hindi ko gusto yung THE KING) gumawa talaga ako ng bread na nakapangalan for you ... kung may pandilimon, ang martina's may PANDE LEE MIN HO... (with ube and korteng L for lee 😀) soon gagawa pa ako ng UBE PANDE LEE MIN LOAF,” ang post ni Ai-Ai.
Sa dulo ay nilagyan niya ito ng mga hashtags na #positivity #lifeisgood #stopthehate #bilinangpandeleeminho #beproductive #magpakabusyparawagbashlangngbash #truthhurts #leeminhostillagoodactor.
Umani ng katakut-takot na pangba-bash si Ai-Ai nang unang i-post ang disgusto sa “The King: Eternal Monarch,” dahilan para mag-trending siya sa Twitter.