https://journal.com.ph/sites/default/files/styles/article_small/public/media_images/2020-05/Jessica-Soho-%26-Heart-Evange.jpg?itok=WITx-qss%20375w,%20/sites/default/files/styles/article_medium/public/media_images/2020-05/Jessica-Soho-%26-Heart-Evange.jpg?itok=GTDAXENT%20668w,%20/sites/default/files/styles/article_large/public/media_images/2020-05/Jessica-Soho-%26-Heart-Evange.jpg?itok=8SqYAC2y%20989w

Depresyon, inamin ni Heart

Tagos sa puso ang naging online kuwentuhan nina Jessica Soho at tinaguriang “Queen of Creative Collaborations” na si Heart Evangelista sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Dito, ibinahagi ni Heart ang mga nararanasang anxiety at depression bunsod ng mga pinagdaraanan sa personal na buhay.

Aniya, "Without me knowing, 'yung pressure ng social media, iyong pressure ng tao, dapat lagi kang maganda, kailangan lagi kang nauuna. Although hindi naman ako super ganoon, siguro subconsciously minsan, 'pag may mga nasasabi tungkol sa 'yo, akala mo hindi ka naapektuhan, but then it affects you. And, nagpa-pile-up siya."

May mensahe rin si Heart sa mga humuhusga sa kanya, "In fact, gusto ko siyang pag-usapan kasi porke't nakikita nilang maganda 'yung suot mo, mahal 'yung bag mo, you're living the life, feeling nila okay ka lang saktan. Feeling nila perpekto 'yung buhay ko, nasa akin na ang lahat, it's not."

Ngayon ay patuloy pa rin ang pangangalap ni Heart ng tulong para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang free time naman ay inaaliw ni Heart ang sarili sa pamamagitan ng TikTok videos at pagba-vlog.