Sagipin din ang mga hotels and restaurants

by

SAGIPIN na rin natin ang tourism industry dahil isa rin ito sa tinamaan nang matindi ngayong pandemic.

Magmula March 15, binawalan na ang hotel bookings mula sa room reservations hanggang sa functions. Maging ang mga restaurant ay inabot din ng dagok dahil hindi naman sapat ang kita sa delivery and takeout services.

Malaki ang tama sa hospitality business na ikinabubuhay ng daan-daang libong manggagawa. Maraming industriya na ang nabuksan sa ilalim ng GCQ at MECQ pero naiwanan ang mga hotels and restaurants.

Bagsak na ang foreign tourists arrival kaya dapat makabawi sa domestic tourism. Dapat makasama rin sa stimulus package ng gobyerno ang hotels and restaurant business para mas mabilis silang makabangon.

***

Tama ang desisyon ni Pangulong Duterte na "no vaccine, no classes."

Maraming magulang ang sang-ayon sa pasya ng Pangulo dahil hindi tayo nakatitiyak sa kaligtasan ng mga bata kapag ibinalik natin sila sa mga paaralan sa August 24 kung wala pang bakuna.

Kung totoo ang sinabing may gamot na sa COVID sa January 2021, hintayin na muna natin iyon bago simulan ang klase.

Sa pagkakakaroon ng 22 million students, masyadong delikadong palabasin silang lahat kung walang katiyakang nasugpo na natin ang virus sa Agosto.

Ang mga paaralan na kayang magkaroon ng online classes, okey langĀ  dahil ligtas naman iyon. Pero iyong actual class room session, malabo yan dahil makokompromiso ang social distancing.

Makapaghihintay ang karunungan subalit hindi ang kamatayan o pagkakasakit ng ating mga kabataan kung papapasukin na sila.

***

Pagkatapos ng problema sa pandemic, huwag din nating kalimutang pasalamatan ang AFP soldiers at ang PNP members.

Katulad ng mga medical practioners at healrh workers, ang mga pulis at sundalo man natin ay nasa panganib sa tuwing nasa labas sila para bantayan ang mga pasaway.

Nakita naman natin ang kanilang uniporme plus ang mga protective gear na sobrang init, lalo na kung naka-assigned sila sa kalsada.

Kaya nga hindi rin natin masisi kung bakit minsan ay humahantong sa init ng ulo ang pagbabawal sa mga pasaway dahil sa kanilang pagod sa maghapong duty.

Mabuhay din ang ating mga pulis at sundalo.

allanpunglo@gmail.com