https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/agalea.jpg

Lea basted kay Aga

Bago pa man sumikat ang tambalang KathNiel at LizQuen, meron nan gang LeAga (Lea Salonga and Aga Mulach love team) noong early 90’s na hanggang ngayon ay kinakikiligan ng mga fan at pilit pinagsasama.

At magkakaroon nga ng ‘Bayanihan Musika’ concert si Lea ngayong Friday, kung saan makakasama niya sina Erik Santos at Ice Seguerra, pero ang sinisigaw ng mga netizen at niri-request ay makasama sana ng singer ang dati nitong ka-love team na si Aga.

Nag-number 1 trending topic pa nga sa Twitter Philippines ang “AGA PLEASE SAY YES ” dahil sa sobrang sabik ng mga fan makita ulit ang dalawa na kumakanta at nag-uusap.

Pero agad ngang nag-post si Lea sa kanyang Twitter na hindi niya makakasama sa concert si Aga.

“Sa mga fans ng #LeAga, huwag na kayong umasa na may bibisita. We actually invited. Ang OA, ayaw magpakita,” sabi niya.

Marami ang nalungkot sa binitawang tweet ng singer-actress ngunit ang iba ay pilit pa ring pinaniniwala ang sarili na posible pa rin makasama si Aga pero surprise na lang.

Ang tanong, basted o pagbibigyan kaya ni Aga si Lea? Abangan! (Athena Yap)