https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/asunta-1.jpg

Assunta blooming na buntis

https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/Jun-Lalin-Anything-Goes-77-2.jpg

Alam mo, Dondon, kahit pare-pareho tayong naka-quarantine dahil nga sa COVID-19 pandemic, parang ang bilis-bilis pa ring lumilipas ng mga araw.

Halos 2 ½ months na nga tayong naka-quarantine at kung noong una ay maraming nagsasabi na nabo-bore na sila, marami naman ang nakasanayan na ang pagkaka-lockdown nila sa kani-kanilang lugar.

Si Assunta de Rossi nga, sa tuwing tatanungin ko lately kung kumusta na, palaging ok ang sagot niya.

“Mabuti naman ang pakiramdam ko. Ok lang naman ako na nasa bahay lang,” sabi niya.

Ngayon nga ay 17 weeks na ang ipinagbubuntis ni Assunta sa kanyang sinapupunan. Dahil lockdown pa rin, hindi pa rin niya nabibisita ang kanyang OB-Gynecologist.

“Hindi pa nga kasi ako lumalabas ng bahay. Nakakatakot din kasi. Ok pa naman ako. Siguro, next month, magtatanong na ako sa OB-Gyne ko,” sabi niya.

Malaki na rin ang tiyan ni Assunta ngayon. Sabi ng mister niyang si former Congressman Jules Ledesma, blooming nga raw si Assunta kahit kagigising lang.

Sa picture na pinost ni Jules, kitang-kita ang kasiyahan ng mukha ng misis. Sa tsikahan naman namin ni Assunta kahapon, sinabing ‘yung picture na pinost ni Jules ay kagigising lang talaga niya.

“Galing pa akong nightmare sa picture na ‘yon kasi nga kagigising ko lang. Hahaha,” natatawang sabi niya.

Ano napanaginipan niya?

“Kung ano-ano. Vivid managinip ang buntis. Siguro ginigising na ako para maihi na. Hehehe,” sabi niya.

Kung noong bago pa lang niyang nalaman na buntis siya ay medyo hirap siyang matulog, ngayon naman daw ay ok na siya.

“Nakakatulog na rin. Ok na,” sabi ng aktres.

Anyway, may kasabihan na kapag blooming o sobrang ganda ng isang buntis ay babae raw ang ipinagbubuntis nito.

Sabi naman ni Assunta, kapag nagpa-ultrasound na siya uli ay saka niya malalaman at, “Basta healthy ang baby, kahit babae o lalaki, ok lang talaga sa akin.”

Young sweethearts pakakasal sa 2022

Nagbabalak na raw talagang magpakasal ang isang reel and real young sweethearts. Hindi pa nga lang daw nila ina-announce ang tungkol doon.

May isa akong kinulit kung kailan ang kasalang ‘yon, pero medyo matatagalan pa raw.

“Definitely not next year,” sabi ng katsikahan ko.

May isang malapit daw sa lalaki ang unang magpapakasal at papalipasin muna ang isang taon bago naman magpakasal ang dalawa na baka maganap sa 2022.

Well, at least, kahit ganitong may pandemic, hindi pa rin naisasantabi ang planong pagpapakasal ng reel and real young sweethearts, huh!