https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/abante-jluis.jpg

Sharon, John, Julius binanatan si Rep. Marcoleta

https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/Rey-Pumaloy-Oh-Laban-Ka-146.jpg

Pinasadahan ng batikos ni Megastar Sharon Cuneta si House Deputy Speaker Rodante Marcoleta dahil sa muli nitong pagbuhay sa mga isyung ipinupukol sa ABS-CBN sa ginanap na franchise hearing sa Kongreso.

Naging kontrobersyal nitong Martes si Rep. Marcoleta nang isa-isahin nito ang mga sinasabi niyang violation ng Kapamilya network.

Sa tweet ni Sharon, sinabi niyang sinayang lang ni Rep. Marcoleta ang hearing sa Kongreso sa pagpunta niya ng mga violation ng Dos na nasagot na nga raw sa Senado noon pa.

“Ating gobyerno, BIR, DOJ, NTC, DOLE, SEC. Para po sa kalinawan ng lahat, eto pong muli ang mga malinaw na sagot ng ABS-CBN sa lahat ng isyung paulit-ulit na binabato subalit may mga naihayag nang kasagutan noon pa man. Sinasayang ni Rep. Marcoleta ang oras ng Congress hearing. Nakakadismaya po kayo Rep. Marcoleta,” sabi ni Shawie.

Bukod kay Sharon, bumanat din ang ibang Kapamilya star kay Rep. Marcoleta. Heto ang mga tweet nila:

“Sinagot na yan. Not listening eh” – Julius Babao.

“Grabe parang ginawang joke ang hearing. @prinsesachinita sa opening at @vicegandako sa closing. Tapos paulit-ulit. #WalangGanonMarcoleta” – John Lapus.

“Si Marcoleta, naalala ko yung tito kong pag lasing na kung anu-ano tinatalak makapag-bida lang” – DJ Cha-Cha.

Bangs Garcia babae ang isisilang

Baby girl ulit ang isisilang ni Bangs Garcia. Kasabay ng celebration ng birthday ni Bangs (May 26) ibinalita niya sa Instagram ang gender ng ipinagbubuntis niya.

Aliw na aliw si Bangs sa hula ng mga follower niya na lalake ang magiging second baby nila ni Lloyd, dahil mababa raw ang kanyang tiyan.

Kahit daw ang buong pamilya ni Bangs ay inakalang lalake ang magiging anak niya.

Jolina naluha sa drawing ng anak

Ipininta ng anak ni Jolina Magdangal ang emblem ng ABS-CBN na pinapaligiran ng coronavirus. Pinoste ni Jolina ang larawan sa kanyang Instagram at sinabing nagulat siya sa lakas ng pakiramdam ng anak sa pinagdadaanan niya dahil sa isyu ng prangkisa ng Kapamilya network.

Kinuwento ni Jolina na tanging coronavirus lang ang naiitindihan ng kanilang anak dahil lagi nitong naririnig ang tungkol dito sa pag-uusap nila ng kanyang asawa.

Minsan sa kanyang pagdadarasal narinig ng anak niya ang dasal niya tungkol sa pagnanais niyang matapos na ang isyu sa network at maibalik na ito ng tuluyan sa ere.

Kinabukasan inabot ng anak niya ang papel para ipakita ang drawing nito. Nakita ni Jolina ang emblem ng ABS-CBN at coronavirus.

Mahigpit daw siyang niyakap ng anak na parang ipinaparamdam sa kanya na maayos din ang lahat. At naluha nga si Jolina sa drawing ng anak.