https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/abante-marvin.jpg

Marvin kinalaban sina Ai-Ai, Ara

Kabilang si Marvin Agustin sa hanay nina Ai-Ai delas Alas, Ara Mina, Nikki Valdez na nagbebenta ng kanilang pastries, cakes.

Kinareer ni Marvin ang pagbi-bake ng kanyang carrot cake base sa post niya sa Instagram na nagpapakita nang pagmi-mix niya ng loaf cake.

Ibinalita ni Marvin na sold out na ang produkto niya, at puwede na siyang mag-accommodate ng mga bagong order para sa Biyernes.

Hindi raw akalain ni Marvin na kakagatin ng netizen ang kanyang carrot cake, kung saan nakakatakam naman kasi ang itsura, na nilagyan niya ng maraming nuts, chocolate bits at shredded carrot.

Asahang idadagdag ni Marvin ang bake shop sa listahan ng kanyang food chain business dahil sa natutuhang pagki-bake ng carrot loaf cake. (Rey Pumaloy)