https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/ABANTE-Sam-Milby.jpg

‘Last Goodnight’ ni Sam Milby puno ng pagnanasa, pagtataksil

Ang kanta ni Sam Milby na “Last Goodnight” ang theme song ng iWant digital movie na “Love Lockdown.”

Unang inilabas ang pop-rock na kanta bilang bahagi ng “SAM:12” album ni Sam, na siya namang bumagay sa nakakaintrigang istorya ng pitong bida sa bagong iWant movie na pinagsama-sama ng pag-ibig, pagnanasa, at pagtataksil.

Tinatalakay din ng kanta ang mga komplikasyon ng isang mapagnasang relasyon at ang mga problemang dala ng pagmamahal na bunga ng isang gabing pagsasama.

Dinaan ni Sam sa Instagram ang pag-imbita sa mga follower nya na panoorin ang “Love Lockdown” at pakinggan ang kanta niyang “Last Goodnight.”

“Thank you once again my @dreamscapeph family! LOVE LOCKDOWN now streaming on the iWant app and iwant.ph! LAST GOODNIGHT can also be streamed in all major digital platforms. Thanks @jonathanmanalo for this nice track!” sabi ni Sam na obyus na in love ngayon kay Catriona Gray.

Isinulat at iprinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang “Last Goodnight,” in-arrange ni Paulo Zarate, at mi-nix at master ni Dante Tañedo.

Bukod sa “SAM:12,” nakapag-release na ng apat pang album sa ilalim ng Star Music si Sam, kabilang na ang debut LP niya na “Sam Milby” noong 2006, “A Little Too Perfect” noong 2007, “Love Duets” kasama si Toni Gonzaga noong 2009, at “Be Mine” noong 2011.

Isa siya sa mga talented artist sa ilalim ng Star Music—tahanan ng pinakamagagandang awiting OPM mula sa nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN.