https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/Marcial-2.jpg

Marcial, ABAP pulido samahan

WALANG dapat ipag-alala ang mga fan ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial dahil mananatiling maganda ang relasyon nito sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).

Ito’y matapos linawin ni Marcial na wala silang hidwaan sa ABAP at mataas ang respeto nito kina ABAP chief Ricky Vargas at secretary general Ed Picson.

Nasa kukote pa rin ni Marcial ang pagbibigay ng unang Olympic gold sa Pilipinas.

“Alam ko na hangad nina Mr. Vargas at Sir Ed ang kabutihan para sa akin, kanilang pag-aaralan ang mga alok, at ilalatag nila sa akin ang mga iyon at nasa akin pa rin ang huling desisyon,” ani three-time Southeast Asian Games gold meddalist Marcial.

Kasama ni Marcial ang ABAP sa pag-angat ng kanyang amateur boxing career kaya’t hindi sumagi sa isip ito na wasakin ang magandang relasyon nito sa asosasyon.

Inamin naman ni Marcial na humihingi siya ng payo sa ilang mga eksperto para sa kanyang planong pumasok sa professional boxing. (Elech Dawa)