https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/le_hor-6001.jpg

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | May 26, 2020

CELEBRITY BIRTHDAY TODAY: LENNY KRAVITZ

ARIES (March 21-April 19) – Ilang ideya mo ang gagamitin ng iba. Wala kang magagawa kung hindi mo agad ito inaksyunan. Lucky number for today: 33

TAURUS (April 20-May 20) – Isang isyung matagal nang gumugulo sa isip mo ang malilinawan. Malaki ang maitutulong ng isang mensahe mula sa malayong lugar. Lucky number for today: 52

GEMINI (May 21-June20) – Anumang diskusyon ay kaya mong ipanalo. Pero isipin mo rin kung worth it ang ibubuhos mong effort. Lucky number for today: 37

CANCER (June 21-July 22) – Masyadong tumataas ang expectation mo sa isang proyekto. Hinay-hinay sa excitement, posibleng ma-disappoint ka. Lucky number for today: 47

LEO (July 23-August 22) – Kung hindi mo maibigay ang buong tiwala mo sa iyong partner, hindi malayo ang drama. Bawas-bawasan ang suspetsa na lalo lamang nagpapahirap sa iyo. Lucky number for today: 15

VIRGO (August 23- September 22) – Alam mo kung ano ang gusto mo at kung paano ito makukuha. Ang tanging pumipigil sa iyo ay ang pag-iisip sa sasabihin ng iba. Lucky number for today: 33

LIBRA (September 23- October 22) – Isang proyektong isinantabi mo ang puwde nang ilabas at umpisahan muli. Marami ka ngayong oras para ipokus dito ang iyong atensyon. Lucky number for today: 56

SCORPIO (October 23- November 21) –May paraan para ma-improve ang aspetong pinansyal. Magtiwala sa sarili mong ideya kesa iba. Lucky number for today: 28

SAGITTARIUS (November 22- December 21) –Nasa komunikasyon ang susi para mawala ang nararamdaman mong bigat. Kausapin ang mga taong alam mong makakatulong sa iyo. Lucky number for today: 14

CAPRICORN (December 22-January 19) –Hindi ka takot sa mabibigat na responsibilidad. Pero wag namang tanggapin pati obligasyon ng iba. Lucky number for today: 39

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi mo maiiwasang makasakit ng damdamin ng ilang tao. Pero walang ibang opsyon kundi sabihin ang totoo. Lucky number for today: 16

PISCES (February 19-March 20) – Kung hindi ka masaya sa nangyayari sa loob ng bahay, kailangan mo itong sabihin. May masasaktang mga kapamilya at marami ang hindi sasang-ayon. Lucky number for today: 10