https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/abante-ping-lacson.jpg

Ping: Mas maraming magaling kay Duque

Marami umanong mas magaling at kwalipikado na maaaring pumalit kay Health Secretary Francisco Duque III sa puwesto sakaling maghanap ang Malacanang sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“There are at least 170,000 licensed physicians in the country who can be more competent and honest than him. They are all my candidates for replacement,” pahayag ni Lacson sa kanyang text message sa mga reporter.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto, kung may papalit man sa puwesto ni Duque, dapat ito ay may health expertise at walang business interest.

“I hope he picks one with health expertise and no business interests,” sabi ni Sotto.

Naging mainit si Duque sa ilang mga senador dahil sa paiba-iba nitong mga pahayag tungkol sa second wave ng COVID-19, sa diumano’y overpriced na COVID-19 testing equipment na binili ng gobeyrno at ang kuwestiyonableng Philippine Health Insurance Corporation testing package.

Nauna nang sinabi ng Palasyo na hayaan lang si Duque na gampanan ang kanyang trabaho sa pagtugon sa banta ng COVID-19 sa bansa sa gitna ng mga batikos laban sa kanya.

May mga ilan din ulat na lumabas na naghahanap diumano si Pangulong Rodrigo Duterte na sinumang puwedeng pumalit sa puwesto ni Duque.

Noong Abril, naghain ang mga senador ng isang resolusyon na humihiling ng agarang pagbibitiw sa puwesto ni Duque dahil sa diumano’y ‘failure of leadership’. (Dindo Matining)