https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/rape-9.jpg

8 nagagahasa kada araw sa lockdown- PNP

Walo katao ang nabibiktima ng panggagahasa habang ang buong bansa ay sumasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa datos ng PNP, umaabot sa 602 katao sa buong bansa ang biktima ng rape mula Marso 17 hanggang Mayo 23 o mayroong average na 8 katao kada araw.

Hindi naman idinetalye pa ng PNP ang mga lugar kung saan mataas ang kaso ng panggagahasa o kung mayroong mga bata o mga menor de edad na biktima.

Subalit dipensa ng PNP ang nasabing datos ay mas mababa ng 53 porsyento o umaabot sa 18 kaso ng rape kada araw kumpara sa 1,289 na kaso na naidokumento mula Enero 9 hanggang Marso 16, 2020, bago ang implimentasyon ng ECQ bunsod ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19).

Ayon naman kay PNP Spokesperson Brig. Genenral Bernard Banac , patuloy ang ginagawang balidasyon hinggil sa umanoy insidente n g `sex for pass scheme’ at sa ngayon ay wala pang natatanggap na reklamo ang PNP hinggil sa mga insidente upang mapatunayan ang mga alegasyon.

“Hopefully may informants na willing mag share para masimulan agad ang investigation against erring cops,” pahayag ni Banac.(Edwin Balasa)