https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/abante-barber-shop.jpg

Bukas salon, barber shop sa GCQ inatras

Hindi pa bukas ang gobyerno sa pagbabalik operasyon ng mga salon at barbershop sa ilalim ng general community quarantine areas (GCQ).

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay dahil ang coronavirus ay mas mabilis kumalat sa mga kahalintulad na establisiyemento.

“Hayaan na muna natin mag desisyon ang IATF. Marami namang usapin na dapat nga payagan pero sa ngayon ang umiiral na opinyon ay wag muna po,” ani Roque sa Laging Handa public briefing kahapon.

“Dahil marami po talagang reports, at ito ay nakabase sa siyensa, na napakalakas po kumalat ng COVID sa mga barberya at mga salon,” dagdag nito.

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Mayo 25 ng 14,035 kaso ng COVID sa bansa at may 3,249 recoveries at 868 nasawi. (Prince Golez)