ISKUP! Mga BI exec sa `Pastillas’ scam durog
Malakas at solido ang physical, documentary at testimonial na ebidensya laban sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) at ilang airport personnel na sangkot sa kontrobersyal na `Pastillas scheme’, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
“Contrary to the denials of the BI officials linked to the illegal scheme, there’s hard solid evidence that the accused were on the same place and facilitated the entry of foreign nationals to the country without correct documents,’’ sabi ng NBI source.
“The investigation also found out that the foreign nationals allowed to enter the country in a privilege visa, which give them 30 days stay has no record of exit. They are still here,’’ dagdag pa nito.
Tinangka ng Abante na kunin ang reaksyon ni NBI director Eric Distor subali tumanggi ito na magbigay ng detalye sa resulta ng kanilang imbestigasyon, bagamat kinumpirma nito na may final report at nire-review na ito ng legal division ng kawanihan.
Ayon sa source , malaking puntos ang naging testimonya ni immigration officer Alisson Chiong na siyang nagbunyag sa iligal na gawain ng kanyang mga kasamahan. Natumbok ng NBI Special Action Unit ang mga dokumento sa pagkakasangkot ng mga ranking official ng BI sa raket.
“Non bailable case of qualified human trafficking and graft charges will be filed against BI officials and airport police linked to the pastillas scheme,’’ pahayag pa ng source na pamilyar sa NBI report.
Sangkot sa Pastillas syndicate ang ilang BI executive at tauhan ng aiport na tumatanggap ng listahan ng mga Chinese national na pinapayagang makapuslit papasok sa bansa nang hindi dumadaan sa pagbusisi ng Immigraiton sa mga airport kapalit ng P50,000 at P80,000 kada buwan para sa mga low ranking BI personnel.
Para sa mga mataaas na opisyal ng BI, aabot sa daang libo hanggang milyones ang halaga ng mga `padulas’ na malimit na binibilot sa papel na parang pastillas.
Durog sa matibay na ebidensya ang mga miyembro ng Bureau of Immigration Travel Control Enforcement Unit, Special Operations Communications Unit (SOCU), Port Operations Division, Border Control Intelligence Unit at ilang airport personnel.
Ang NBI-SAU na pinamumunuan ni Lawyer Emeterio Dongallo Jr. ang namuno sa imbestigasyon matapos na idetalye ng whistle blower kung paano nakakalusot papasok sa bansa ang mga Chinese national sa tulong sa mga corrupt na aiport at BI personnel , sa ginanap na Senate hearing noon na pinangunahan ni Senador Risa Hontiveros. (Nancy Carvajal)