https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/abante-arceo.jpg

Mga doktor sumigaw ng harassment vs nagmurang Pasay Councilor

Inakusahan ng maltreatment, harassment at diskriminasyon ng Philippine Association of Medical Technologist (PAMET) si Pasay Councilor Ariel ‘Moti’ Arceo dahil sa pagwawala sa session hall kung saan nagsasagawa ng rapid testing ang ilang frontliner.

Sinabi ni Dr. Ronald Puno, PAMET president na ang ginawa ni Arceo ay isang maltreatment, harassment at diskriminasyon sa mga health care professionals.

Ayon kay Puno hindi pa niya nakikita ang paghingi ng paumanhin ni Arceo, pero kung ito ay katanggap tanggap pero naiintindihan naman niya ang pagkabahala ng Konsehal.

Kaya lamang ay hindi niya kayang garantiyahan ang magiging aksiyon ng gobyerno laban kay Arceo.

Ang paglalagay umano ng rapid testing sa session hall ay aprubado ng HR Department ng Pasay City Hall at walang kinalaman ang mga medical technologist.

Samantala, humingi ng ‘sorry’ si Arceo sa PAMET at sa mga frontliners na nasa session hall noong siya ay magalit,magmura at magsisigaw nang makita niyang ginawang COVID19 rapid testing ang lugar noong Mayo 19 ng hapon.

“Wala akong personal na galit sa mga medical technologist,nagalit lamang ako sa situwasyon,’ayon kay Arceo sa panayam sa radyo.

Sinabi ni Arceo na hindi ipinaalam sa kanila na ginawang Rapid testing center ang session hall .
“Hindi dapat sa loob ng city hall ginawa ang testing center. Bulwagan po kasi ‘yan eh, may mga empleyado… puntahan po ng tao ‘yan. Naniniwala ako na nagkaroon ng kakulangan sa pagi-ingat,” ani Arceo.(Juliet de Loza-Cudia)