Austrian president na lumabag sa curfew: Sorry!
Matapos ulanin ng batikos dahil sa paglabag sa pinapairal na curfew sa kanilang bansa, humingi ng paumanhin ang president ng bansang Austria na si Alexander Van der Bellen.
Bago nag-sorry ay umani ng banat ang 76-anyos na Austrian president nang lumampas ito sa coronavirus-related curfew sa nasasakupang lugar makaraang magtungo ang pangulo sa restaurant sa Vienna.
Di na nakatanggi ang pangulo sa pambabaterya sa kanya ng mga kritiko nang mamataan ito ng mga kapulisan sa nasabing resto na inabutan na ng curfew habang kasama ang asawa at dalawang kaibigan Ikinatwiran naman ng Austrian president na nalibang ito at hindi na namalayan ang closing time na nakamandato habang kausap ang mga kaibigan sa nasabing Italian restaurant.
Aminado naman ang pangulo ang kanyang pagkakamali at isa aniyang pagsuway ang kanyang tinuran kaya humihingi ito ng tawad.