Pinay maid nag-suicide sa embassy shelter ng Lebanon
Palaisipan ngayon at masusing sinisiyasat ang pagpapakamatay ng isang Pinay domestic worker sa Philippine embassy shelter sa Lebanon.
Sa nakalap na report sa Department of Foreign Affairs, ang di na pinangalanang domestic helper ay kinanlong na sa embahada ng Lebanon mula pa noong Biyernes kasama ang dalawa pa.
Dahil sa coronavirus pandemic, maraming Pinoy ang nawalan ng trabaho sa Lebanon at nasa pangangalaga ngayon ng embahada habang naghihintay na makauwi sa bansa.
Naganap ang suicide ilang araw matapos ipunto ng mga human rights group ang pagtrato sa 26 babaeng domestic worker na nanunuluyan sa “over-crowded” na shelter.
Tinanggi naman ng Embahada ang lumabas na ulat at paratang ng isang Bassam Al Kantar, ng Lebanese National Human Rights Commission na “[these women] have not seen the light of day for more than 40 days.”