Cold war ng Amerika at China, tumindi
Muling sumiklab ang girian sa pagitan ng bansang China at Amerika nang palagan ng China ang patuloy na pag-akusa sa kanila ng US na sinadya nila at sila ang may pakana ng pagkalat ng coronavirus sa buong mundo.
Ayon kay Chinese foreign minister Wang Yi, kasinungalingan at nagpapakalat lamang ng conspiracies ang tila pagpapapansin ng Amerika.
Maari rin aniyang hinohostage lang ng ilang US political forces ang relasyon ng China at US.
Idinagdag pa ng foreign minister na posibleng apektado lang sa ‘political virus’ ang Amerika kaya panay ang kanilang kuda kahit na mali-mali na ang bintang sa kanila.