Kim, apektado ng pagsu-suicide ng Haponesang wrestler
by Vinia VivarMaging si Kim Chiu ay nalungkot sa pagkamatay ng Japanese professional wrestler na si Hana Kimura who died last May 23 by taking her own life. She was 22.
Si Hana ay ay kabilang sa cast ng latest season ng reality show na “Terrace House” ng Netflix at ayon sa report, dumanas ng cyber-bullying ang wrestler because of the show.
Neeless to day, naka-relate si Kim kay Hana since alam naman nating isa ang aktres sa talagang parating dumaranas ng online bullying.
Bukod dito, ayon na rin sa kanyang post sa Instagram ay napanood niya si Hana sa “Terrace House” at na-hook siya sa karakter nito
“Last night as I was about to sleep, saw the sad news about #terracehousejapan #hanakimura. I don't know her personally shempre but nanood lang ako ng show on Netflix. I was so hooked on her character then I searched her IG then I saw #RIPHanakimura she took her own life because of the hurtful words that people throw at her,” bungad ng Instagram post ni Kim.
Ayon sa aktres ay napaka-powerful talaga ng mga salita na pwedeng maging dahilan para kitlin ang sariling buhay.
Kaya pakiusap niya sa mga netizen ay maging kind.
“Yes!!! Your Words can be powerful; it can also be a weapon on taking someone's life. Di mo alam ang pinagdadaanan ng bawat tao sa mundo. Lalo na sa situation natin ngayon.
“So PLEASE CHOOSE TO BE KIND. If hindi kaya, then atras tayo. If you don’t like that person, then feel free to unfollow sa lahat ng social media platforms na meron yung taong yun.
“We are in a world of social media where we can talk to everyone as if we are just neighbors kahit na miles away tayong lahat. This technology intertwines us.
“Let us use this in a positive way, use this for us to be one, supporting one another, uplifting each other, being kind to people, KIND enough to accept someone's flaws, KIND enough to forgive. KIND enough to just be there enjoying this kind of technology that we have right now. Wag natin abusuhin.
“I mean, I'm not here para pagalitan yung mga taong yun, but I just want to remind people that being KIND can go places. Always! Always! Always! Choose kindness,” ang pahayag ni Kim.