https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/defense-minister-jerry-codinera-2.jpg

End of Contract

MAINIT na usapin nitong mga nakaraang linggo ay ang expiration ng ABS-CBN franchise.

Maraming nabigla dahil tayo ay nasa gitna ng COVID-19 pandemic.

Maraming aral tayong mapupulot at experience sa nangyaring sitwasyon ng ABS-CBN.

Ito ay walang pinagkaiba sa PBA.

Pwede ko itong i-compare sa aking naging experience kada nasa contract negotiations ako nung tayo ay naglalaro pa sa premyadong liga ng PBA.

At dun sa sitwasyon na kinakaharap ni Ginebra player Greg Slaughter na end of contract din ang kaso.

Una sa lahat, bago mag-expire ang kontrata ng isang manlalaro ang dami bumabagabag sa iyong damdamin.

Maraming tanong sa sarili kung makakapirma ka pa ba? May mga exploratory talks leading to nego pa.

Halos makakaramdam ka ng matinding acid reflux, hyper acidity atbp.

Kasi mahirap maglaro sa isang koponan kung ang napirmahan mong kontrata ay mababa.

At mababalitaan mo pa sa iba na ‘yung player na hindi naman kahusayan eh mas malaki pa ang kontrata kaysa sa nakuha mo.

Ang isang taon mong performance ay mauuwi sa 1-3 days na negosasyon. Kaya grabe ang tawaran, baratan at pressure sa bawat kampo.

Kadalasan ang end of contract ay pwedeng gawing strategy ng team para makakuha ng leverage sa nego dun sa mga player na hindi nila gusto.

Sa mga player naman na gusto o mahuhusay na player madali lang ang renewal, basta type ng management hindi imposible ang nego. K

Kasi kapag umabot sa ENDO ang player “up for grabs na yan“ maraming mag-ooffer na team.

Ang hindi alam ng ibang manlalaro ay nag-uusap din ang mga team owner pagdating sa kontrata ng mga player para maiwasan ang poaching o sulutan.

Alam naman natin na sa liga ng PBA. Ang may advantage lagi ay ang mga may-ari ng team dahil sa ‘right of first refusal policy’.

Ang message ko dito sa situation ng contract nego ay hanggang maari hindi na dapat pinaabot pa sa ENDO dahil mawawalan ka talaga ng tinatawag na bargaining power.

Baka mauwi pa sa bidding o kung sa PBA term eh baka ma-trade ka pa sa team na ayaw mo.

Sa kinakaharap ngayon ng ABS-CBN it’s best na huwag umasa sa franchise renewal nila, 50/50 ang sitwasyon nila, humanap na sila ng ibang optios at compromise.

Hindi pwede ang matigasan dito o hard ball, nakadepende lahat ang sitwasyon kung gaano ba kahalaga ang renewal sa isang manlalaro, kagaya kay Greg Slaughter at sa ABS-CBN.

Always keep your options open, you’re just as good as your last performance, no such thing as a guarantee at “no one is indispensable”.