Brownlee swak sa Gilas Pilipinas
MARAMING gustong maging naturalized player na mga PBA import upang makapaglaro sa Gilas Pilipinas.
Isa na rito si Barangay Ginebra reinforcement Justin Brownlee.
Tiyak na maraming sasang-ayon na fan kung pipiliin maging naturalized player ng Pilipinas ang dating PBA Best Import.
Sa naganap na Hoop Coaches International webinar, sinabi ni former Charlotte Bobcats coach Mike Dunlap na eksakto ang laro ni Brownlee sa Gilas Pilipinas, malaki ang maitutulong nito sa national team.
“He was one of those guys that were positionless before positionless became a fashionable word,” ani Dunlap sa kanyang interview. “He’s smart and versatile and he could score naturally.”
Huling taon ni Brownlee sa St. John’s noong 2011 nang maging assistant coach si Dunlap kay Steve Lavin.
Si Brownlee ang resident import ng Barangay Ginebra sa PBA, nagwagi ng apat na title simula noong 2016.
Nagkampeon sa ASEAN Basketball League bilang reinforcement ng Alab Pilipinas noong 2018. (Elech Dawa)