https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/golfer.jpg

Tatay ni Juvic pumanaw na

BINAWIAN na ng buhay dahil sa sakit na pneumonia ang veteran golfer na si Juanito Pagunsan.

Ang 66-anyos na sikat at premyadong golfer ay nasawi Linggo ng umaga habang nakaratay sa Asian Hospital Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City.

Si Juanito o mas kilala sa bansag na `Pago’ ng kanyang mga estudyante at kaibigan ay na-diagnose sa nasabing sakit noong Pebrero at pinili nitong manatili at mag-home medication sa kanyang bahay sa Sta. Rosa City, Laguna.

Isinugod ito sa nasabing ospital noong nakaraang linggo matapos atakihin ng kanyang sakit kung saan tuluyan itong nasawi Mayo 25.

Nabatid na nakilahok pa si Juanito sa Senior Professional Golfers Association of the Philippines sa Army Golf Club sa Taguig noong Enero.

Ang matandang Juanito ay ama ng Pinoy golfer na si Juvic Pagunsan. (Aivan Episcope)