COVID-19 kill joy! NegOcc nagkasenla ng piyesta
HINDI muna itutuloy ang piyesta ng Sagay at Bago City sa Negros Occidental dahil sa outbreak ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa nilabas na kautusan ni Sagay City Mayor Alfredo Marañon III kinansela nito ang 24th Sinigayan Festival na gaganapin mula Marso 14 hanggang 19.
Ginawa ito bilang pagsunod sa advisory ng Department of Health na nagsasaad na umiwas sa pagdalo at pag-oorganisa ng mga event na kailangan ng maraming attendee.
“We may miss the glitter and gaiety of the Sinigayan Festival, however, it is necessary to minimize, if not eliminate, the risk of contracting the virus,” ani ng alkalde.
Nauna namang kinansela ni Bago City Mayor Nicolas Yulo ang fiesta celebration ng lungsod na dapat ay magsisimula noong Pebrero 11. (Prince Golez)