https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/karera-ng-kabayo.jpg

Mandaluyong Racefest larga na sa Metro Turf

IPAGDIRIWANG ang Mandaluyong Liberation Day Racing Fest 2020 sa pamamagitan ng tatlong stakes race na gaganapin sa Linggo sa Metro Turf sa Malvar, Tanauan City, Batangas.

Tampok sa nasabing event ang Mayor Menchie A. Abalos Road to Triple Crown Trophy Race kung saan anim na tigasing kabayo ang kasali. Sila ay sina Heneral Kalentong, Maysilo, Lucky Savings, Parokya Ni Paolo, Radio Gaga at Westpointer na mag-uunahan sa 1,600 meter race upang pumitas ng premyo sa guaranteed P750,000 cash prizes na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Nakalaan ang P450,000 sa first place, P168,750 sa second, P93, 750 sa third at P37, 500 sa fourth. Tatanggap ng trophies ang winning owner, trainer at jockey sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Walong kabayo naman ang magtatagisan sa 1st District Councilor Sprint Trophy Race may distansya itong 1,000 meters at may P300,000 premyo kung saan patok sina Senor Lucas at National Pride. Kakaribal sa kanila sina Certain To Win, Hidden Light, Mini Model, Pinagtipunan, Son Also Rises at Yalla.

Bakbakan din ang inaasahan ng mga karerista sa 2nd District Councilor Trophy Race na may may pitong entries sa distansyang 1,400 meter at P300,000 ang total prize. Mga ttakbo rito sina Adobo Country, Cambari Island, Correct Ka Dyan, Francesca Fire, Peace Of Mind, Space Jam at Tumalog Falls. (Elech Dawa)