PNP general na nanghablot ng cellphone na-promote uli
MATAPOS ma-promote noong nakaraang linggo ay muli na namang tumaas ang puwesto ni Police Brig. Gen. Nolasco Bathan sa panibagong balasahan na isinagawa ng Philippine National Police (PNP).
Ang panibagong balasahan na inaprubahan ni PNP Director General Archie Gamboa ay epektibo.
Itinalaga si Bathan bilang deputy regional director for administration o number 2 man ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Matatandaang si Bathan na dating director ng Southern Police District (SPD) ay itinalaga bilang deputy director for operations o number 3 man ng NCRPO noong Pebrero 6, 2020 bago ang muli nitong pag-akyat sa puwesto kahapon.
Samantala, napunta naman bilang director ng PNP Health Service si Police Brig. Gen. Herminio Tadeo na dating deputy regional director for administration ng NCRPO, habang si Police Brig. Gen. Florendo Quibuyen naman ay napunta bilang deputy director for operations ng NCRPO.
Sina Bathan at Quibuyen ay magkaklase sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class of ‘89.
Matatandaang si Bathan ang opisyal ng pulisya na kumuha ng cellphone ng isang tv reporter sa kasagsagan ng coverage ng Traslacion ng Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila Enero.
Humingi naman ng paumanhin si Bathan sa tv reporter. (Edwin Balasa)