Break-up nina James at Nadine fake?
by Aster AmoyoISANG source ang nagparating sa amin na kesyo hindi umano totoong nag-break ang (dating) live-in partners of more than three years na sina James Reid at Nadine Lustre. Kung totoo man ito, nakuha nila ang kanilang goal dahil pinag-usapan nang husto ang kanilang `break-up’ sa pagpasok ng bagong taon, 2020.
Sa kabila ng balitang break-up, madalas pa ring maispatan na magkasama ang dalawa sa iba’t ibang okasyon at lokasyon.
Samantala, kahit gustong kumawala ni Nadine sa kanyang kontrata sa Viva Artists Management na hanggang 2029, tahimik na ito tungkol sa isyu matapos pumalag ang VAA.
Sa ayaw at sa gusto ni Nadine, sa Viva pa rin dadaan angmga proyektong nakalaan para sa kanya. Meron siyang bagong teleserye ngayon sa Kapamilya network.
Si Nadine ay kasama sa action-drama series na “Burado” kung saan niya mga kabituin sina Julia Montes, Zanjoe Marudo, Paulo Avelino at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet kasama sina Raymond Bagatsing, Carmi Martin, Ina Raymundo, Lotlot de Leon, Matet de Leon, McCoy de Leon at iba pa. Ito’y under Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal for ABS-CBN.
Si James naman ay may hiwalay ding teleserye, ang “Soulmate Project” na pinagtamtambalan nila ng Korean-American singer-actress na si Nancy McDonie ng Momoland. Under Dreamscape din ito.
Kung mapapansin, parehong may international touch ang dalawang TV series dahil may Thai actor na kasama si Nadine habang Korean-American naman ang kapareha ni James. Ang “Burado” ay magkakaroon din ng iba’t ibang international locations in Asia bukod sa Pilipinas tulad ng Thailand, Cambodia at India. Malamang na mag-shoot naman sa South Korea sina James at Nancy.