‘Lobby fund’ ng ABS-CBN, ‘hindi naramdaman’ -- Cong. Lagman

by

BAGO ang lahat, mainit at maingay na ‘congratulatons’ kay ex-Supreme Court Chief Justice, Lucas Bersamin, sa kanyang bagong posisyon bilang ‘chairman’ ng Government Service Insurance System (GSIS).

Eh, “tingnan” mo nga naman, hindi ba kasamang Jomar Canlas at Bert Mozo? Noon lang Pebrero 7, 2019, isinumpa, ehek, nanumpa pa ang mga opisyales ng National Press Club (NPC) sa kanya kung saan sa aming mga kuwentuhan ay ‘na-impress’ tayo sa kanyang kababaang-loob kahit nga isa siya sa pinakamakapangyarihang opisyal sa ating gobyerno.

At noon namang Disyembre 27, 2019, may dalawang buwan matapos ang kanyang pagreretiro sa Korte Suprema (Oktubre 14, 2019), aba’y “nakasalubong” pa natin si CJ Bersamin sa isang hotel sa Maynila kung saan kasama pala niya, para sa isang simpleng tanghalian at ‘get together,’ ang kanyang pamilya.

Muli, ‘congrats,’CJ Bersamin! And may you succeed in your newest role (again) as a public servant. Mabuhay ka, CJ!

At nasimulan na rin lang sa ‘good news,’ ngayon pa lang ay sinsero nating pinasasalamatan si Albay representative, Edcel Lagman, sa kanyang kahandaan na tulungan ang National Press Club upang mapanatili ng ating samahan ang katangian nito bilang kasama sa ating mga ‘historic national buildings.’

“Bulong” pa nga sa atin ni Cong. Edcel, na “lider” din ng ‘independent bloc’ sa Kongreso, “ipadala” lang sa kanya ang mga dokumento hinggil sa bagay na ito at malugod niyang tutulungan ang pinakamalaki (at isa sa pinakamatanda) na samahan ng mga aktibong mamamahayag sa bansa.

Eh, magandang balita, hindi ba, mga kapatid? Abangan!

***

Kung si Cong. Edcel din ang tatanungin, bagaman “mabigat” ang “laban” ng ABS-CBN para sa ‘franchise renewal’ nito “nakatengga” pa rin sa Kongreso dahil sa oposisyon ni PDU30, hindi naman masasabing “endo” na (end of franchise contract) na ang resulta.

Aniya pa, umabot na nga sa 90 mambabatas ang lumagda/sumuporta sa may 11 ‘franchise bill’ ng ABS-CBN sa Kongreso.

Binanggit pa ni Cong. Edcel na batay sa ‘Rules of Congress,’ kailangan lang ng 60 lagda (1/5 of House membership) ang kailangan para direktang madala sa plenaryo ang isang ‘franchise bill’ upang doon na agad ito matalakay at kung makapasa, ay maipadala na ito sa Senado.

At siyempre, ang 90 mambabatas na pumirma na pabor sa ‘ABS-CBN franchise renewal’ ay “sobra-sobra” na sa itinatakda ng regulasyon ng Kongreso.

Kung itutuloy naman ni Cong. Edcel ang kanyang “balak” na ‘direct transmittal to the plenary’ ng prangkisa ng ABS-CBN, eh, tingnan natin.

Pagkatapos kasi ng ‘NPC Meet the Press/Report to the Nation media forum’ kahapon kung saan bisita natin si Cong. Edcel, nakita naman natin sa ‘television news flash’ ang sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na sa muling pagbubukas ng Kongreso sa Hulyo, pagkatapos ang “SONA” ni Pang. Digong, maipapasok sa “kalendaryo” ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN.

Una na ring sinabi ni Senate President Tito Sotto, na kahit matapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30 na wala pa itong bagong prangkisa mula sa Kongreso, “tuloy” pa rin ang operasyon nito, yeheyy, ayy, wahh??!!

Ang dahilan, aniya, ay dahil na nga rin sa mga naihain na mga ‘franchise bills’ ng ABS-CBN sa Kongreso.

Dagdag pa ni ‘Tito Sen,’ sakaling hanggang magtapos ang ika-18 Kongreso sa 2022 ay hindi pa rin naipasa ang alin man sa mga prangkisang ito, ito ang tamang panahon para “patugtugin” ang awitin na, ‘Goodbye, I hate to see you go, but have a good time…’ ahahay!

Samantala, “pinawi” ni Cong. Edcel ang “suspetsa” ng mga miron na may “umiikot” na ‘lobby fund’ ang ABS-CBN sa iba’t-bang sektor, partikular na sa hanay ng media, Kongreso at Senado upang suportahan ang ‘franchise renewal’ ng kumpanya.

Aniya, “wala” siyang alam na may ganito nga, dahil… “hindi ko naramdaman,” hehehe!

‘’Yun naman pala, eh, di… wow, hihihi!

Happy Valentine’s Day  sa ating lahat!