https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/goldeb.jpg

Pogo sex den sa Makati kinandado

ISINARA na kahapon ang Golden­ Dragon Hotel na sina­lakay ng mga tauhan ng Makati City Police matapos gawing prostitution at gambling den sa Barangay Pio Del Pilar, kamakalawa.

Naaresto rito ang tatlong Chinese national na umano’y maintainer, habang 13 dayuhang biktima ng prostitusyon ang nasagip ng mga awtoridad na ang target na kostumer diumano ay mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Agarang inaprubahan ni Makati City Mayor Abby Binay ang rekomendasyon sa pagpapasara ng naturang hotel na inaksyunan ng Business Permit and Licensing Office dahil sa paglabag sa Human Trafficking Act at Revised Revenue Code of City Ordinance.

Inaresto ang tatlong Chinese national na kapwa nanga­ngasiwa na sina Kevin Sy, 25; Xiao Lo, 23, at Tong Po, 25, pawang residente ng Golden Dragon, 1847 K&K Building, Evangelista St., Brgy. Pio Del Pilar, Makati City habang nasagip ang mga dayuhang babae na kinabibilangan ng siyam na Chinese, da­lawang Russian at dalawang­ Vietnamese.

Isang pulis ang nagpanggap na customer na kumuha ng isa sa mga babae sa bayad­ na halagang P22,000 bilang kabayaran para makatalik nito ang babae sa loob ng nasabing establisimyento. (Vick Aquino)