https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/ice-2.jpg

Mag-utol na Pinoy nagpasiklab sa world ice carving contest

Dinaig ng magkapatid na Pilipino ang kanilang mga nakatunggali sa 26th International Ice Carving Competition sa Lake Louise, Alberta, Canada.

Hindi naging hadlang sa Baisas brothers ang sobrang lamig na temperatura para matapos nila ang kanilang winning entry na Steampunk Rivalry makalipas ang may 32 oras at mapataob ang siyam na kalabang team.

Paliwanag ni Ross Baisas sa isang online news report na dahil sa minus thirty degrees ang temperatura ay limitado lang ang kanilang galaw.
Gaya ng hindi nila paglalagay ng tubig sa yelong kanilang inuukit dahil magiging malutong ito.

Naka-5th place ang magkapatid habang nagwagi ng second prize at people’s choice award ang entry ni Ross sa one block speed competition.

Nagsimula umanong matuto ang magkapatid ng wood carving noong bata pa sila sa Paete, Laguna.

Sariling sikap at sa pag-oobserba lang nila ito natutunan dahil passion na nila ang art. (IS)