https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/deade.jpg

Miyembro ng Ozamiz Robbery Group dedo sa buy-bust

PATAY ang isang miyembro ng Ozamiz Robbery Group nang nakipagpa­litan ng putok sa awto­ridad na nagkasa ng buy-bust operation sa Silang, Cavite.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang suspek na si Esteban Letada, alyas Teban, binata, at nasa listahan ng high value individual ng pulisya.

Sa ulat ni PSSg. Aldwin Paulo Tibuc ng Silang Municipal Police Station, dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa Brgy. Acacia, ng naturang bayan laban sa suspek.

Matapos ang transaksiyon sa pagitan ng suspek at poseur buyer­ ay nagbigay ito ng hudyat para sa pag-aresto sa suspek pero pumalag ito at pumasok sa loob ng kanilang bahay at kumuha ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad kaya gumanti ang huli na nagresulta sa kamatayan ng suspek.

Narekober sa crime scene ang kalibre 9 mm, kalibre 5.56, kalibre 38, M-16 rifle, granada, sachet ng shabu at peluka. (Gene Adsuara)