https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/binay-5.jpg

Binay: Si Duque lang dapat magsalita sa novel coronavirus

NANAWAGAN si Senadora Nancy Binay sa Malacañang na agad na magtalaga ng nag-iisang tagapagsalita tungkol sa novel coronavirus (nCoV) upang maiwasan ang kalituhan ng publiko tungkol sa nasabing kumakalat na sakit.

Iminungkahi nito si Health Secretary Francis Duque bilang ‘official and only’ spokesman ng gobyerno patungkol sa isyu ng banta ng nCoV.

Ayon sa senadora, ang pagtalaga kay Duque bilang official spokesperson ay kailangan para matiyak na tama ang impormasyon tungkol sa nCoV.

“We need to step up and elevate the ante in risk communication. I appeal to the President to appoint only one official spokesperson and only one voice who will regularly update the public of the latest developments on nCoV,” sabi ni Binay.

“And prevent anyone from government to issue statements, President’s policy positions that are not official, verified, vetted nor cleared by agencies handling the nCoV situation,” dagdag pa nito.

Mas mainam din aniyang magtayo ang Malacañang ng high-level risk communication team na kinabibila­ngan ng kinatawan ng iba’t ibang ahensiya para masigurong berepikado ang impormasyon at datos mula sa pamahalaan.

“Ang nakalulungkot, we are also battling an epidemic of fake news and misinformation, tapos kung sino-sino lamang na ‘di naman bihasa sa public health o may sapat na kaalaman sa sitwasyon patungkol sa nCoV ang nagsasalita para sa DOH o sa President,” sabi ni Binay.

“Dapat may official statement galing sa Palasyo at ‘di kung kani-kanino,” diin pa nito. (Dindo Matining)