https://journal.com.ph/sites/default/files/styles/article_small/public/media_images/2020-01/nasine.jpg?itok=nBBQ9Ley%20375w,%20/sites/default/files/styles/article_medium/public/media_images/2020-01/nasine.jpg?itok=F5UsHzdO%20668w,%20/sites/default/files/styles/article_large/public/media_images/2020-01/nasine.jpg?itok=euHZ8wYK%20989w

Bakit malakas ang loob ni Nadine na kalabanin ang Viva?

by

NADINE Lustre grabs the headlines anew.

Kaugnay ito sa kaniyang pag-alis sa Viva Artist Agency na siyang nagma-manage ng kaniyang career. Hindi pa nga lumalamig ang mainit na isyu sa hiwalayan nila ni James Reid, heto na naman ang bagong pasabog ni Nadine. Palaban talaga ang aktres at obvious na handa siya sa laban na ito. Dahil alam niya na pahihirapan siya ng Viva. Sa official press statement ng huli, binalaan ang mga third party na kukuha sa serbisyo ng aktres na makakasuhan sila ng "breach of contract." Dagdag pa nito, "she has a valid and subsisting management contract under the law, and Nadine cannot unilaterally withdraw from her contract with Viva."

Nagsisimula pa lang ang legal battle ng dalawang kampo. Pero obvious na handang-handa ang aktres sa pinasok niyang sigalot. Dahil ang topnotch lawyer na si Lorna Kapunan ang kinuha niyang abogado para sa nasabing kaso. Wala ring takot ang aktres sa kaniyang pahayag na "self-manage" muna raw ang kaniyang career sa ngayon. Buwelta naman ng ilang netizen, "end of her career" na raw ito.

Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang may bahid ng katotohanan ang mga bulung-bulungan noon bago pa pumutok ang mga nabanggit na isyu. Ayon sa  tsikang nilipad ng hangin sa aming bakuran, kasama  raw diumano sa plano nilang dalawa ni James ang pagkalas nila sa Viva. Dahil diumano'y kapwa sila pipirma ng kontrata sa business unit ng isang network, na siyang magma-manage raw ng kanilang career.

Playing devil's advocate, let's try to connect the dots. Una, umalis si James sa Viva para raw mag-focus sa singing career. Pangalawa, ang JaDine breakup na exclusive na ibinalita ng programang "Tonight with Boy Abunda." Pangatlo, ang pag-terminate ni Nadine sa kanyang management contract sa Viva. Mukhang lalong pinapainit ng ABS-CBN ang mga nasabing usapin. It's given full coverage across all its media platforms. Obvious ba?!

Bakit ganito na lang katapang itong si Nadine na kalabanin ang Viva? Maglalakas-loob ba ang aktres na gawin ito kung walang sasalo sa kanya? Just asking...

Disclaimer:

For comments and reactions, text or call us thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com