Sen. Bong: May purpose si god sa pagbibigay ng trials
by Aster AmoyoMASAYANG humarap ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado sa kanilang mga kaibigan sa entertainment media nung nakaraang Huwebes sa isang lunch get-together sa Annabel’s in Tomas Morato, Quezon City.
The lunch get-together was originally set last January 13, pero ito’y na-postpone dahil sa pagputok ng Bulkang Taal nung January 12 at inuna muna nila ang tumulong sa kanilang mga kababayang nasalanta.
Inamin ni Sen. Bong na sa oras ng kagipitan at pangangailangan ay nakilala umano niya ang kanyang tunay na mga kaibigan dahil ang mga ito ang walang sawang sumuporta sa kanya sa loob ng apat na taon at kalahati niyang pagkakakulong sa kasong ibinintang sa kanya. Siya’y na-acquit at pinalaya nung December 7, 2018.
“May purpose talaga ang Diyos kung bakit binibigyan tayo ng mga trials and challenges sa buhay natin para lalo tayong tumatag at patuloy na manampalataya at tumawag sa Kanya,” ani Sen. Bong na napaka-guwapo at simpatiko pa rin hanggang ngayon at age 53, a young grandfather of four grandchildren.
“Minamadali ko nga sina Jolo at Angelica na bigyan na kami ni Lani ng apo,” pabirong pahayag ng tsinitong senador.
Si Jolo ang second son ng mag-asawa na isa ring actor and the vice-governor ng Cavite ay ikinasal sa dating beauty queen na si Angelica Alita nung nakaraang December 15, 2019 sa Newport Beach, California, USA. Ang eldest son nilang si Bryan is still unmarried, gayundin ang younger children nilang sina Gianna, Loudette at Ram. Ang kanilang third child and eldest daughter na si Inah ay may asawa na at tatlong anak. Ang kanilang panganay na apo na si Gab (kay Jolo) ay isa nang tinedyer.
Sa kabila na pare-pareho silang nasa-public service, ang araw ng Linggo ay kanilang family day kasama ang ibang mga kapatid ni Bong and their respective families na kasama ang kanilang ama, ang 92-year-old na si Ramon Revilla, Sr.
Inah and his family are based in Davao kaya sila ang lumuluwas ng Maynila to visit them.
“There are times na kami naman ang dumadalaw sa kanila,” pahayag ni Lani who started as a singer bago naging aktres at TV host.
Samantala, hindi ikinakaila ni Bong na sobra umano niyang nami-miss ang paggawa ng pelikula kaya sasabak siya muli sa 2020 Metro Manila Film Festival. Ito’y labas pa sa kanyang gagawing weekly drama-fantasy anthology sa GMA, ang “Agimat ng Panday.”
Bilang senador, gustong makipag-pulong ni Bong sa mga taga movie industry – producers, theater owners at bookers para mabababaan ang admission price sa mga sinehan. Hindi na kasi ito kinakaya ng ordinaryong mamamayan, isang rason kung bakit marami sa local movies ay hindi kumikita sa takilya.