Xian at Kim hindi pa pinag-uusapan ang kasal
by Aster AmoyoINAMIN ng Viva contract actor na si Xian Lim that he made the right decision nang lumipat siya sa bakuran ng Viva dahil nakagagawa umano siya ng mga proyekto na hindi boxed type.
“It’s for my own growth as an artist ang naging reason why I moved to Viva,” pag-amin ng nobyo ni Kim Chiu.
First movie niya with Viva ang local adaptation ng Korean movie na “Miss Granny “ na pinangunahan ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo at kung saan din tampok sina James Reid at Nova Villa in 2018. He also did one movie last year, ang “Hanggang Kailan” na pinagtambalan nila ni Louise de los Reyes at dinirek ni Bona Fajardo. And he has three or four movies lined up for this year at una nang ipapalabas ang first team-up nila ni Cristine Reyes, ang “Untrue”on February 19.
Samantala, as to his lovelife, inamin ni Xian na masaya sila ni Kim Chiu na kanyang karelasyon since 2011. Pero kahit matagal na sila, hindi pa umano sumasagi sa kanilang usapan ang salitang kasal.
“We’re still young at marami pa kaming gustong ma-achieve individually,” pahayag ni Xian who also tried writing, directing and producing an indie movie for Cinemalaya, ang “Tabon”.
Sumailalim si Xian ng screenwriting workshop sa award-winning writer and screenplay writer na si Ricky Lee
Bukod sa kanyang pelikulang “Untrue” kung saan niya kasama si Cristine Reyes, may bago rin siyang teleserye sa Kapamilya network, ang reunion TV series nila ng kanyang girlfriend na si Kim Chiu, ang “Love Thy Woman” kung saan din niya kasama ang kanyang kapwa co-Viva actor na si Yam Concepcion.