https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/shabu2.jpg

P2.7M droga nasamsam sa 2 dalagita

Arestado ang dalawang dalagita na mga menor de edad na umano’y ginagawang front ng drug syndicate para magtulak ng ­iligal na droga, matapos ­silang mahulihan ng ­mahigit P2.7 milyon halaga ng shabu, sa ­isinagawang drug ope­ration, ­Miyerkoles nang hatinggabi sa Navotas City.

Ayon kay P/Col. ­Rolando Balasabas, hepe ng Navotas Police ­Station, nasa ­pangangalaga nga­yon ng Bahayang ­Pag-asa ang mga nadakip. na edad 14 at 15.

Nakatanggap ­umano sila ng impormasyon na may kabataang nagtutulak umano ng shabu sa Brgy. Tangos ng ­nasabing lungsod.

Minonitor umano ng kapulisan ang lugar para kumpirmahin ang ulat bago magsagawa ng ­operasyon.

Bandang alas-11:30 ng hatinggabi, ­pomoste na ang pulisya sa lugar at lumutang na ang ­dalawang suspek na tila may hinihintay nakatran­saksiyon.
“Doon na sila ­sinita ng Kapulisan natin at halata talagang guilty kasi biglang namutla ‘yung dalawang dalagita eh,” ani Col. Balasabas.

Nang kapkapan ang mga suspek, nakuha sa mga ito ang 40 gramo ng hinihinalang shaby na nagkakahalaga ng P2,747,200.

Isinasailalim sa interogasyon ang ­dalawang menor de edad para malaman kung sino ang supplier nila ng ­shabu. (Orlan Linde)