https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/Dead.jpg

Trike sinalpok ng kotse, 8-anyos todas

PATAY ang 8-taon batang lalaki habang malubhang nasugatan ang tatlo pa matapos suwagin ang sinasakyan nilang tricycle ng isang kotse sa nationa­l road ng Brgy. Gen. Priam West, Bangar, La Union noong Linggo.

Kinilala ng Bangar Police Station ang namatay na si Kiefer Carl Defonturom ng Brgy. Luzong Norte sa nasabing bayang.

Sugatan naman sina Mariano Morta Jr., 43, may-asawa, tricycle drive­r, at pasahero nitong sina Aurelia Morta, 85 at Victoria Defobturom.

Sa inisyal na imbestigasyon, patungo sa hilagang direksyon ang kotse na minamaneho ni Jay-m Masenas, tubong-Indang Cavite, nang umagaw umano ito ng linya na dahilan upang mabangga nito ang tricycle na sinasakyan ng namatay na biktima.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon si Kiefe­r Carl ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente at dito tumama ang katawan at ulo niya sa konkretong semento at siya ang namatay madala sa pagamutan.

Nasa kostudiya na ng pulisya si Masenas at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple serious physical injuries at damage to property. (Allan Bergonia)