https://www.abante.com.ph/wp-content/uploads/abante-11.jpg

Cardinal Tagle pinuwesto ni Pope Francis sa Vatican

ITINALAGA ni Pope Francis si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang bagong Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Papalitan ni Tagle si Cardinal Fernando Filoni, ang bagong Grand Master ng Order of the Holy Sepulcher.

Tinagurian ding ‘Red Pope’ ang bagong posisyon ni Tagle na katumbas ng Cabinet secretary sa Roman Pontiff.

Ang congregation­ ang responsable sa pagpapakalat ng Catho­lic faith sa buong mundo sa pamamagitan ng mga missionary work at kaugnay na aktibidad.
Siyam lamang ang congregation sa Vatican at madalas na nakabase sa Roma ang mga pinuno nito.

Si Tagle ang panga­lawang Pinoy na na­ging prefect ng isang dicastery, bukod sa pumanaw na si Cardinal Jose Tomas Sanchez, na naging prefect ng Congregation for the Clergy mula 1991 hanggang 1996.

Nanilbihan din si Sanchez bilang kalihim ng Propaganda Fide na pangungunahan na ni Tagle.

Magsisimula sa Vatican post ang cardinal sa pagsisimula ng taong 2020, ayon sa Vatican News. (RC)